Hinihila nga namin,
‘di binubuhat
Habang naghahagilap ako kung sino ang magandang interbyuhin ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tinatahak ang daan palooban. Ang eskinitang nakahihilo dahil sa amoy ng marijuana. Ang mga batang nangingilala. Natapos lang ang aking pagmumuni-muni ng mapatigil ako sa bahay ng isang kaibigan, sa harap ng dati nilang tindahan na naging bintana na nila ngayon. Bakit nga ba di ko agad naisip si Mark at ang buhay niya? Naalala ko, sa edad na 16 ay kargador na nga pala si Mark sa bagong pier.
Matapos ang bala-balang pagseselpown at pagbwelo ay bigla kong tinanong si Mark na noon ay nasa duyan at naglalaro ng tablet kasama ang bunso niyang kapatid.
“Mark nakapagsoya ka na ba?” bigla siyang lumingon
“Oo nakapagsoya na ako, bakit?” balik tanong niya na agad ko din namang sinagot para mapahid kahit paano ang namumuo niyang pagdududa
“Wala lang, naitanong ko lang” sagot ko sabay ngiti. Mahabang ahhh lang ang naging tugon niya.
Muli akong bumwelo at nagtanong kung ano bang binubuhat nila pag nagsosoya na sinagot naman niya ng papilosopo habang nasa duyan at ang mga mga mata ay nakatutok sa tablet.
“Natural soya, nagsosoya nga di ba, yung ginagawang toyo at pakain sa baboy, yung soy beans kung tawagin. Pati di namin yun binubuhat hinihila namin yung mga nakasakong soya.” Sagot niya habang patuloy pa ring naglalaro.
Umupo ako sa bintana nila. Sa gitna ng katahimikan habang nag-iisip ako ay lumapit s'ya sa kinaroroonan ko. Madali mo lang kasing mararating ang bintana mula sa duyan. Mga dalawa o tatlong hakbang lang siguro. Nang makalapit s'ya sa ‘kin ay nagtanong siya kung may bago ba daw akong mga apps at videos at siya raw ay magpapapasa kayat pinakita ko yung selpown ko. Habang naghahanap siya ng mga videos at apps ay muli ko s'yang tinanong.
“Mahirap ba na raket yung pagbubuhat nung mga sako ng soya? Kasi sabi nila ay madami-dami din daw yung mga soyang trinatrabaho nyo kung minsan”
Muli n'ya akong tinugon pero sa pagkakataong ito ay sa akin na s'ya nakatingin. “Di naman talaga mahirap kasi nga di namin binubuhat, hinihila lang namin at ibinababa yung mga sako na may lamang soya galing sa trak papunta dun sa barko tapos pagkopras naman ay ganon din, di pala, pagkopras ay galing sa barko papuntang trak” sabay balik ng tingin sa selpown.
“So nagkokopras din kayo? Saan ba kayo naggaganan?”
“ D'yan sa bagong pier, pati depende sa dating kung anong bubuhatin namin. Wala ng pili-pili kung anong meron e di yun”
“Magkano naman yung sinasahod n'yo?”
“Depende yun sa trak, nung una kong sabak e 13 kami lahat nun tapos 220, pero nung huli 18 kami kaya 270 pero mga alas 4 kami nagsimula tapos natapos kami ay mga pasado alas 11 na ata yun”
Tinanong ko siya kung yun ay paghahatian nila pero hindi ang naging sagot niya.
“ ‘Di namin yun paghahatian kasi isa-isa ang bigay, kung 220 sa akin, ganon din sa iba. Pare-pareho lang kami kasi pare-pareho lang ang bigay”
Bago ako makapagtanong ulit ay inayudahan muna at hinabol muna n’ya yung kapatid n'ya dun sa likod. Baka nga naman daw makagat ng aso. Matapos makuha si “Pring” ay kunalong na lang niya ito sa tabi ko sa may bintana at muli s'yang nagkutingting at naghanap ng sa tingin niya ay magandang apps at videos kaya muli na din akong nagtanong.
“Ano yun pagkagaling n'yo ng skul diretso na kayo sa pier?”
“Di naman, kasi karamihan sa mga kasama ko ay tigil na at ‘ di naman talaga nag-aaral”
“Araw-araw ba kayong nagsosoya at paano ka nagsimulang magsoya?” “ ‘Di naman araw-araw pero mga dalwa o tatlong beses siguro sa isang linggo” tapos tinuro niya yung may dalang balagwit na dumaan“ ‘Yun si “Jerome”, kasama namin yan nina kuya “Mico” “
“Ano namang ginagawa mo sa pera, yung iba anong ginagawa nila sa sahod n'yo?”
“Ako kahit ano, trip ko lang naman nung sumama ako, inakit lang naman ako ni kuya “Mico”. Pero yung iba sa bisyo lang, pang computer, pang LOL (League of Legends). Pero yung iba pangkain talaga nila. “
“ ‘ Di nagiging bag-as kayo?”
“ ‘ Di hindi naman, seksi kami nung mga baklang kasama ko, pero yung mga lalaki talagang mamasel”
Habang pinoproseso ko yung mga sinabi noya ay bigla s'yang nagsalita ma tapos na kaya tiningnan ko yong selpown ko. Tapos na pala yung mga pinasa niya kaso ‘ di kaya sa memory kaya magdedelete saw siya. Habang naghahanap ng madedelete ay muli ko siyang tinanong kung magsosoya pa ba siya ang sabi niya ay hindi.
“Hindi na siguro, mahina na din ang dating eh” ok lang ang naging tugon ko.
“‘Di na pala, baka magalit si papa pag nagdelete ako” bigla niyang sabi Ok lang muli ang naitugon ko sa kanya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento