Huwebes, Marso 30, 2017

Liham



Mahal Naming Pangulong Rodrigo R. Duterte:

Kung inyong mamarapatin may mga bagay lang po akong nais sabihin patungkol sa isa sa inyong mga priority programs, ang ‘war on drugs'. Mga bagay na bumabagabag at laganap ngayon sa lipunan. Mga bagay gaya ng Extra Judicial Killings.

Noong panahon po ng kampanya ipinangako ninyo na susugpuin ng inyong administrasyon ang droga sa loob lamang ng tatlong buwan. Pangakong sinambit n'yo po sa sambayanang Pilipino na ginawa ninyong anim na buwan dahil ang sabi n'yo ay hindi n'yo inakalang napakalaki talaga ng isyu ng droga sa bansa.

Nanalo po kayo sa eleksyon, at simula po nang maupo kayo sa pinakamataas na posisyon sa kapuluan ay sinimulan n'yo rin po ang inyong madugong war on drugs. Mula nang maupo po kayo noong June 30, 2016 bilang pangulo, ayon na rin sa mga survey, ay bumaba ang mga kasong may kaugnayan sa droga; kapuna-puna rin naman na madami ang sumuko at nagnais na magbago at makipagtulungan sa inyong ‘war on drugs'. Subalit sa kabilang banda, kapuna-puna rin po ang tila paglobo ng bilang ng mga namamatay dahil sa EJK.

Mahal naming pangulo isa po kayong abogado, kaya alam ko po na alam n'yo na ang EJK ay labag sa batas batay na rin sa Bill of Rights ng ating konstitusyon. Hindi ko po sinasabing kayo ang nasa likod ng mga EJK dahil sa inyong mga tagapagsalita na mismo nanggalinh na ang mga ganitong uri ng pagpatay ay hindi state sponsored at ito po ay mariin ninyong kinokondena at nais ko pong sabihing ako po ay naniniwala sa pamahalaan.

Subalit, mahal naming pangulo kung hindi po state sponsored ang mga ganitong uri ng pagpatay, bakit tila wala pa po kayong nahuhuling mga tao na nasa likod nito? At kung meron man po, gaano na po sila karami?

Mr. President mawalanggalang na po, pero sa aking sariling opinyon tila pikitmata po ang inyong administrasyon. Bakit ko po nasabing pikitmata? Dahil sa katotohanang hindi pa po nakararating sa akin ang mga hakbang na ginagawa po ninyo kontra sa EJK.

Kung lalayo naman po tayo sa EJK at tutungo tayo sa isa pang isyu ng ‘war on drugs' may mga bagay din po akong nais sabihin. Bakit po ba sa tuwing nakapapatay ang ating mga kapulisan ay tila praktisado sila sa pagsagot ng “nanlaban po e, kaya gumanti na din kami ng putok” ?

Ibig ko pong sabihin mahal na pangulo na tila lumaki po yata ang bilang ng namamatay na drug personalities sa mga raid ng ating kapulisan. Halimbawa po, napatay si Albuera, Leyte Mayor Espinosa sa loob mismo ng kulungan at ang kataka-taka po dito ay namatay siya noong mag-issue ng arrest warrant ang ilang miyembro ng pulisya, e nakakulong na po. At kung matatandaan po ninyo isa po siya sa inyong mga tinukoy na narco politicians.

Sa lahat po ng ito nais ko lamang pong tumbukin at umapela na kung saklaw po ng inyong kapangyarihan ay sana naman po ay aksyonan natin ito dahil bukod sa hindi ito maganda ay nasisira pa nito ang imahe ng Pilipinas sa international community.



Lubos na gumagalang,  
                                                                                                                                 Byron F. Gamban

HUMSS

 "The Best Strand"


Ako ay isa sa mga estudyante ng Humanities and Social Sciences Strand kaya natural lang na ipagmalaki ko ito dahil kaisa ako dito at ito ang strand na pinili ko.

Ang HUMSS Strand ay masasabi kong ang pinakamaganda dahil na rin sa koneksyon nito sa napakaraming kurso na mataas ngayon ang demand hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Kung ikukumpara sa Science, Technology, Engineering and Mathematics Strand (STEM), Accountancy and Business Management Strand (ABM), Information and Communication Technology (ICT), Business Mangement (BM) at Health and Allied Sciences (HAS) ‘di hamak na nakalalamang ng kaunti ang HUMSS dahil sa strand na ito, mas magkakaroon ka ng pagkakataon na makasalamuha ang iba't ibang uri ng tao.

Kung ang gusto ay trabahong sandal sa gobyerno, talagang HUMSS ang makakapitan dahil ang kursong BSEd ay pasok. Alam naman natin, na lagi itong in demand hanggat may nag-aaral bukod pa sa katotohanang kulang na kulang tayo sa kaguruan.

Madami din tayong kababayan na gustong mag-artista at ‘di naman nalalayo dito ang Mass Communication kung saan pwede kang maging field reporter, o kaya ay news anchor. Kung ayaw ng MassCom. ay pasok din naman ang Fine Arts.

In-demand din ang mga psychologist dahil halos lahat ng industriya ay nangangailangan nito para sa kanilang Human Resource. At ang kursong AB Psychology ay pasok dito.

Balik tayo sa gobyerno, kung gustong maging opisyal sa mga tanggapan ay sobrang pasok ang HUMSS dahil konektado ito sa Public Administration. Kung ang gusto naman ay ang matupad ang pangarap na maging pulis at sundalo ay walang problema dahil pasok din dito ang Criminology.

‘Yung mga tao namang gustong ipagtanggol ang mga naaapi ay dapat lang na HUMSS ang piliin dahil pwede ito at applicable ito sa kursong political science.

Kung susumahin, lahat ng nasa itaas ay may malaking, sweldo na talaga namang mahalaga at kung sinasabi ng iba na ‘di malaki ay siguro naman ay sapat ang sweldo para makapamuhay nang maayos at walang isipin.

Sa kabuuan, sa dami ng kursong kaugnay sa HUMSS at sa taas ng demand nito masasabing ito talaga ang “Best” strand sa sarili nitong katangian, kagandahan, at higit sa lahat, bentahe.

Interview


Hinihila nga namin, ‘di binubuhat



Habang naghahagilap ako kung sino ang magandang interbyuhin ay natagpuan ko na lang ang aking sarili na tinatahak ang daan palooban. Ang eskinitang nakahihilo dahil sa amoy ng marijuana. Ang mga batang nangingilala. Natapos lang ang aking pagmumuni-muni ng mapatigil ako sa bahay ng isang kaibigan, sa harap ng dati nilang tindahan na naging bintana na nila ngayon. Bakit nga ba di ko agad naisip si Mark at ang buhay niya? Naalala ko, sa edad na 16 ay kargador na nga pala si Mark sa bagong pier.

Matapos ang bala-balang pagseselpown at pagbwelo ay bigla kong tinanong si Mark na noon ay nasa duyan at naglalaro ng tablet kasama ang bunso niyang kapatid.

“Mark nakapagsoya ka na ba?” bigla siyang lumingon

“Oo nakapagsoya na ako, bakit?” balik tanong niya na agad ko din namang sinagot para mapahid kahit paano ang namumuo niyang pagdududa

“Wala lang, naitanong ko lang” sagot ko sabay ngiti. Mahabang ahhh lang ang naging tugon niya.

Muli akong bumwelo at nagtanong kung ano bang binubuhat nila pag nagsosoya na sinagot naman niya ng papilosopo habang nasa duyan at ang mga mga mata ay nakatutok sa tablet.

“Natural soya, nagsosoya nga di ba, yung ginagawang toyo at pakain sa baboy, yung soy beans kung tawagin. Pati di namin yun binubuhat hinihila namin yung mga nakasakong soya.” Sagot niya habang patuloy pa ring naglalaro.

Umupo ako sa bintana nila. Sa gitna ng katahimikan habang nag-iisip ako ay lumapit s'ya sa kinaroroonan ko. Madali mo lang kasing mararating ang bintana mula sa duyan. Mga dalawa o tatlong hakbang lang siguro. Nang makalapit s'ya sa ‘kin ay nagtanong siya kung may bago ba daw akong mga apps at videos at siya raw ay magpapapasa kayat pinakita ko yung selpown ko. Habang naghahanap siya ng mga videos at apps ay muli ko s'yang tinanong.

“Mahirap ba na raket yung pagbubuhat nung mga sako ng soya? Kasi sabi nila ay madami-dami din daw yung mga soyang trinatrabaho nyo kung minsan”

Muli n'ya akong tinugon pero sa pagkakataong ito ay sa akin na s'ya nakatingin. “Di naman talaga mahirap kasi nga di namin binubuhat, hinihila lang namin at ibinababa yung mga sako na may lamang soya galing sa trak papunta dun sa barko tapos pagkopras naman ay ganon din, di pala, pagkopras ay galing sa barko papuntang trak” sabay balik ng tingin sa selpown.

“So nagkokopras din kayo? Saan ba kayo naggaganan?”

“ D'yan sa bagong pier, pati depende sa dating kung anong bubuhatin namin. Wala ng pili-pili kung anong meron e di yun”

“Magkano naman yung sinasahod n'yo?”

“Depende yun sa trak, nung una kong sabak e 13 kami lahat nun tapos 220, pero nung huli 18 kami kaya 270 pero mga alas 4 kami nagsimula tapos natapos kami ay mga pasado alas 11 na ata yun”

Tinanong ko siya kung yun ay paghahatian nila pero hindi ang naging sagot niya.

“ ‘Di namin yun paghahatian kasi isa-isa ang bigay, kung 220 sa akin, ganon din sa iba. Pare-pareho lang kami kasi pare-pareho lang ang bigay”

Bago ako makapagtanong ulit ay inayudahan muna at hinabol muna n’ya yung kapatid n'ya dun sa likod. Baka nga naman daw makagat ng aso. Matapos makuha si “Pring” ay kunalong na lang niya ito sa tabi ko sa may bintana at muli s'yang nagkutingting at naghanap ng sa tingin niya ay magandang apps at videos kaya muli na din akong nagtanong.

“Ano yun pagkagaling n'yo ng skul diretso na kayo sa pier?”

“Di naman, kasi karamihan sa mga kasama ko ay tigil na at ‘ di naman talaga nag-aaral”

“Araw-araw ba kayong nagsosoya at paano ka nagsimulang magsoya?” “ ‘Di naman araw-araw pero mga dalwa o tatlong beses siguro sa isang linggo” tapos tinuro niya yung may dalang balagwit na dumaan“ ‘Yun si “Jerome”, kasama namin yan nina kuya “Mico” “

“Ano namang ginagawa mo sa pera, yung iba anong ginagawa nila sa sahod n'yo?”

“Ako kahit ano, trip ko lang naman nung sumama ako, inakit lang naman ako ni kuya “Mico”. Pero yung iba sa bisyo lang, pang computer, pang LOL (League of Legends). Pero yung iba pangkain talaga nila. “

“ ‘ Di nagiging bag-as kayo?”

“ ‘ Di hindi naman, seksi kami nung mga baklang kasama ko, pero yung mga lalaki talagang mamasel”

Habang pinoproseso ko yung mga sinabi noya ay bigla s'yang nagsalita ma tapos na kaya tiningnan ko yong selpown ko. Tapos na pala yung mga pinasa niya kaso ‘ di kaya sa memory kaya magdedelete saw siya. Habang naghahanap ng madedelete ay muli ko siyang tinanong kung magsosoya pa ba siya ang sabi niya ay hindi.

“Hindi na siguro, mahina na din ang dating eh” ok lang ang naging tugon ko.

“‘Di na pala, baka magalit si papa pag nagdelete ako” bigla niyang sabi Ok lang muli ang naitugon ko sa kanya.

Miyerkules, Marso 1, 2017

Si ateng panyo

Profiles ni Ate Roxanne and other Pics



















Cover ni Ate 2014







Mga motto ng ate mo 

*If you can dream it, you can achieve it.

*Life is short be kind and smile


*Don`t wait for opportunity.Create it.


*Success occurs when your dreams get bigger than your excuses


*Age is no guarantee of maturity


Nakatag sa ate mo
noong 2017











Messages sa wall noong Birthday N'ya 2017







Other Messages sa wall n'ya




Picture ng Ate mo sa mg Events 2016








Shared Photos 2014




Picture with the Family








OOTD











Personal Opinion ni Blogger sa Ate mo outside the Fb World


Well, base sa mga interactions and small chit chats namin, I think this girl is a kind and a good person. Yung appearance and aura n'ya kasi
sobrang gaan idagdag pa yung pagiging tahimik n'ya kaya kung titingnan she is kinda mabait talaga. Ang naging pagkakaiba lang nung mga nakita ko sa Fb n'ya at sa nakikita ko sa kanya in person ay yung fact na halos wala na itong pictures which is opposite sa another characteristic or should I say hobby n'ya which is magselfie. When I asked her about this, she just said na dinelete n'ya na daw yung mga pictures and mga inistatus and shinare n'ya dati. So go back tayo sa aking personal na tingin ko sa kanya, aside from being kind, sa tingin ko napakamasayahin din ng taong ito dahil napakavisible nito kapag kasama niya ang mga kaibigan niya na katulad n'ya ay mahilig ding magpicture which is pasok dun sa saying na " birds with the same flock together". Another thing, sa tingin ko kasi kailangan pang i boost ng kaunti yung confidence n'ya kasi napakadalang n'ya makipaginteract sa iba and medyo nahihiya ata s'ya about something kasi may tinatakpan lagi s'yang part ng "katawan n'ya". Despite of this, overall, positive ang tingin ko sa kan'ya maybe because positive s'yang tao. :) 





Martes, Pebrero 14, 2017

"Malansang Umaga"


Maaring maagap pa para sa iba ang ala-sais ng umaga, pero ang ganitong oras ay tila tanghali na sa mga taga Dalahican lalong-lalo na sa pier nito dahil oras na ito ng kasagsagan ng mga taong mamimili ng mga sariwang isda.



Ito ang karaniwang eksena sa bagsakan ng isda sa Dalahican, maraming tao at kahit saan ay may isda kang makikita.

Pananalubong ang ginagawa ng ilan sa mga tao sa pier. Sila yung mga nag-aabang at agad sasalubong sa mga bangka o di kaya'y basnig na dumadaong sa pantalan





Dahil sa natural na lokasyon ng Dalahican hindi na kataka-taka ang iba't ibang isda na makikita sa katubigang nakapaligid dito. Mga isdang iba't iba ang laki at kulay.


Walang pini-piling edad ang pananalubong, karaniwang tanawin na sa pier ang mga amang kasama ang kanilang mga batang anak na lalaki na tila sina-sanay na para sa mga susunod pang taon.



Sa dami ng isdang ibinabagsak sa Dalahican, hindi na kataka-taka ang banye-banyerang isdang makikita dito. Mga isdang kung saan-saan nakakarating. May mga dinadala sa Maynila o di kaya naman ay sa iba pang lugar.


Upang di agad mabulok at maging bilasa ang mga isdang nahuli ng mga pangulong, basnig at maliliit na basnig ay nilalagyan nila ng yelo ang mga ito. Pag-iilado ang tawag sa proseso ng paglalagay ng yelo sa mga isdang dadalhin sa ibang lugar upang tumagal ang panahon bago maging bilasa ang mga isda.

Sa dami ng isdang dapat lagyan ng yelo e hindi lang iisang tao ang gumagawa ng trabahong ito. Mag-kakasamang nag-iilado ang mga lalaking nagtatrabaho sa iisang amo upang mapadali ang gawain.


 Pagkatapos iladuhin ang mga isda, ilalagay naman ang mga ito sa mga container na tulong-tulong itutulak papunta sa mga trak na nasa labas ng gusali. 


Sa gilid na bahagi naman ng pier ay matatagpuan ang mga negosyanteng nagtitinda ng mga isda sa maliit nilang pwesto. Ito din ang lugar na karaniwang dinadagsa ng mga tao pagsapit ng mga pasado alas siete hanggang hapon.

 Dito na rin binubukod-bukod ng mga negosyante ang kanilang mga paninda, karaniwang nasa mga palanggana at pinggan ang mga isdang ito.


Kahit na mura ang mga isda sa Dalahican ay mabusisi pa ring sinusuri ng mga namamlengke ang mga isda rito. Tinitingnan nila kung mapula ang hasang, kung maputi ang mata at kung hindi ito malambot at bilasa. Dahil sa mga ginagawang ito ng mga mamimili maari silang tawaging "matatalinong mamimili".

Normal lang din sa lugar na ito ang makakita ng mga batang nagtitinda ng mga isda, mga nangunguha ng styro foam, mga naghuhugas ng mga banyera. Ito ay mga trabahong ginagawa nila para mabuhay.

Kung mabusisi ang mga mamimili ay tapat naman ang mga nagtitinda rito. Tinitimbang nila nang maayos ang mga isdang binibili at ipinapakita nila ito sa mga mamimili. Kung suki ka nila maaring ka pang makakuha ng discount kung marunong kang makipagtawaran.




Kung nagustuhan ng mga mamimili ang isda ay tiyak na ang bayaran. Kung ang namili ay walang oras para maglinis ng isda ay pwede naman nila itong ipalinis sa mga taong nasa gilid ng daungan.